Posted by ayawngboring | File under :

Nitong mga nakaraang araw, nagging magulo ang isip ko. Gustu ko magfocus sa trabaho ko pero lagi nalang ako nawawala sa sarili. Lagi akong nagdedaydream. Wala naman masama mangarap, kaya lang.. napapadalas na yung pagdedaydream ko. Hanggang sa mamamalayan ko naubos na yung oras ko sa pag iisp.

Iniisip ko kasi kung anu ba maganda gawin para makabili kagad ako ng bahay. Nag rerent lang kasi kami at halos kalahati ng sahod ko dun na pupunta. Minsan parang hindi na nga sapat yung sahod ko sa gastusin naming. Naiisip ko kung magkakaron kami ng sariling bahay at least meron ako napupundar kahit papano.

Naiisip ko din mag abroad. Kaya lang mailiit pa ang anak ko para iwan ko. Matanda na din sila mama para iwanan ko. At higit sa lahat pano na sila pag umalis ako. Yung kapatid kong lalaki sakin nakatira pero madalas hindi sila magkasundo ni papa. Mahirap pag walang taga awat sa kanila baka kung ano pa mangyari kina papa at mama pag nagkataon.

Merong din offer sakin yung ante ko, invite daw ako sa Sweden, kaya lang irereto ka para maging asawa dun. Ang problema my asawa na ko eh, kahit hindi kami kasal mahal ko yun! Maaring guminhawa nga ang buhay ko kaya lang iniisip ko kung ano magging reaksyon ng anak ko. Hahanapin nya ang daddy nya pag laki nya.

Pero ang pinaka gustu ko sa lahat.. Ang Manalo sa LOTTO! Hahahah kahit hindi ako tumataya lagi pa din ako nangangarap Manalo. Naiisip ko nga pag nanalo ako mag iinivest kagad ako sa properties. Mahirap pag hindi mo ginamit nang maayos yung napanalunan mo. Mabilis mawala ang pera.
Sa lahat lahat ng mga iniisip ko, at the end of the day, Nag pepray ako. Nagpapasalamat na buhay pa ko, nagpapasalamat sa pagkain, sa pag-gabay, sa pagbantay, sa mga biyaya at higit sa lahat sa pag papatawad sa mga kasalanan natin. Maswerte pa din ako kasi wala may sakit sa amin at kahit papano ay nakakaraos naman kami.

Sana lang makahanap ako nang magandang offer para hindi ko na isipin mangibang bansa. Mahirap talaga kung mawawalay ka sa pamilya mo. Kahit hindi ko pa nararanasan, Isipin ko pa lang parang hindi ko na kaya.

O sya hanggang dito nalang.


Ikaw marami ka din ba pangarap? Pwede mo ishare samin… J

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...