Nitong mga nakaraang araw, nagging magulo ang isip ko. Gustu
ko magfocus sa trabaho ko pero lagi nalang ako nawawala sa sarili. Lagi akong
nagdedaydream. Wala naman masama mangarap, kaya lang.. napapadalas na yung
pagdedaydream ko. Hanggang sa mamamalayan ko naubos na yung oras ko sa pag
iisp.
Iniisip ko kasi kung anu ba maganda gawin para makabili
kagad ako ng bahay. Nag rerent lang kasi kami at halos kalahati ng sahod ko dun
na pupunta. Minsan parang hindi na nga sapat yung sahod ko sa gastusin naming.
Naiisip ko kung magkakaron kami ng sariling bahay at least meron ako napupundar
kahit papano.
Naiisip ko din mag abroad. Kaya lang mailiit pa ang anak ko
para iwan ko. Matanda na din sila mama para iwanan ko. At higit sa lahat pano
na sila pag umalis ako. Yung kapatid kong lalaki sakin nakatira pero madalas
hindi sila magkasundo ni papa. Mahirap pag walang taga awat sa kanila baka kung
ano pa mangyari kina papa at mama pag nagkataon.
Merong din offer sakin yung ante ko, invite daw ako sa
Sweden, kaya lang irereto ka para maging asawa dun. Ang problema my asawa na ko
eh, kahit hindi kami kasal mahal ko yun! Maaring guminhawa nga ang buhay ko
kaya lang iniisip ko kung ano magging reaksyon ng anak ko. Hahanapin nya ang
daddy nya pag laki nya.
Pero ang pinaka gustu ko sa lahat.. Ang Manalo sa LOTTO! Hahahah
kahit hindi ako tumataya lagi pa din ako nangangarap Manalo. Naiisip ko nga pag
nanalo ako mag iinivest kagad ako sa properties. Mahirap pag hindi mo ginamit
nang maayos yung napanalunan mo. Mabilis mawala ang pera.
Sa lahat lahat ng mga iniisip ko, at the end of the day, Nag
pepray ako. Nagpapasalamat na buhay pa ko, nagpapasalamat sa pagkain, sa
pag-gabay, sa pagbantay, sa mga biyaya at higit sa lahat sa pag papatawad sa
mga kasalanan natin. Maswerte pa din ako kasi wala may sakit sa amin at kahit
papano ay nakakaraos naman kami.
Sana lang makahanap ako nang magandang offer para hindi ko
na isipin mangibang bansa. Mahirap talaga kung mawawalay ka sa pamilya mo. Kahit
hindi ko pa nararanasan, Isipin ko pa lang parang hindi ko na kaya.
O sya hanggang dito nalang.
Ikaw marami ka din ba pangarap? Pwede mo ishare samin… J