Posted by ayawngboring | File under : , ,
Attitude Problem'

Halos lahat ata meron Attitude Problem'. Pero syempre depende pa din sa tao yon' kung pano nya ihandle yung mga ganung problema. May times na pwede pa matolerate pero kadalasan hindi na kaya ihandle.

May kaofficemate kasi ako. Nung una naman okay naman kami' as in close kamil, daldalan kami ng kung ano-ano. Masaya lang walang stress. Then ngkaron ng transition. nawala yung isa sa leader namin tapos sya na yung pumalit. Dun nagsimula yung lahat. Nagkaron ng mga hindi pagkakaintindihan. Nakapag bitaw ng masasakit na salita. Pero nung napag usapan na namin un. Nagkaron ng hingian ng sorry. Sabi nya non' my "GAP" na daw kami starting that day. Pero kabaligtaran nangyari, mas naging pala kwento sya. Mas naging madikit. Naiintindihan ko naman kasi mahirap magtrabaho ng my kagalit.

Pero biglang nagbago ulit. Nagalit sya sa mga jokes nung mga kaworkmate namin. Simula nun' umiwas na sya. Ramdam namin yung tensyon. Pinipilit ko sya kausapin kung ano yung problema nya. Pero hindi nya sinasabi. Hanggang sa nabasa ko nalang sa blog nya lahat ng galit nya. Galit na galit sya. Hindi sya makaget over dun sa dati naming issue na inayos namin nuon. Dala padin nya hanggang ngayon. Kahit anong pilit namin makipag ayos. Wala sarado na sya. Hindi ko tuloy alam kung sino samin ang my problema eh.

Lumala na sya ng husto hanggang sa mga post nya sa blog nya. Nilalait nya kami. Isa isa pa nya kami dinescribe sa mga readers nya. Ako daw ay Noisy Kettle! Well, Tama ka dyan teh' maingay naman talaga ako' inaantok kasi ako pag hindi maingay. Dun naman sa sinasabi mo na "sees herself as a smart one but the fact is she doesn’t know how to correct her grammar" Hindi ko hiniling sayo ayusin yung grammar ko' Masyado ka lang maarte sa pag pili ng word. kahit isang word lang na may mabago ka feeling mo buong grammar na mali ko' eh synonyms lang din naman pinalit mo. Haha
Pasyensya na ha! Perpekto ka kasi. hahaha Naisip kaya nya panu idescribe yung sarili nya?

Gustu mo describe din kita?
Wag nalang hindi ko na gagawin yung ginawa mo' Dyan ka masaya eh!

 Naisip kaya nya kung sya ba bully din? Eh mas malakas pa nga sya mambully eh. Sabi nga nya ngayon lang daw sya naka encounter ng ganung mga tao. Kami din naman ngayon lang nakatagpo ng tulad nya? Hindi maka sabay sa agos. Pikon at masyadong maramdamin.


Ako din naman pikon at maramdamin. Pero hindi ako yung tipo na kikimkimin ko ng matagal yung galit. Kasi alam ko sa sarili ko ako din ang mahihirapan. Maasar lang ako lalo at ako ang talo. Hindi din healthy. Maapektuhan ang trabaho ko at ang performance ko.

Well, paalala ko lang sayo hindi lahat ng tao perpekto. Kahit sarili mo. Kaya wag ka mag malinis. Kung anuman yung nasabi ko before, totoo naman lahat yun. Kaya ka nga nagagalit eh' kasi totoo diba? Hanggang ngayun nagrereflect. Pero sabi ko nga nakaraan na yun' wala na sakin yun. Kasi nagsorry na ko sayo nun. Tinapos ko na yun dun. Ewan ko ba bakit ikaw dala mo pa din hanggang ngayon.

Hindi lang ikaw ang nahihirapan pakisamahan ka' kung alam mo lang. Pero sakin kahit anu pa sabihin mo wala na ko pakelam'. Hindi naman ako sasaya kung ikaw ang iisipin ko! Kaya ko lang sinulat to kasi alam ko babasahin mo. haha


Wish ko lang maka get over kana'
pray for you' totoo yan!
Syanga pala'
Saludo din sayo middle finger ko eh' para patas tau!

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...