Posted by ayawngboring | File under : ,
Date: Oct 25, 2014
Time: 1-6pm

Matagal na din ang huling punta ko sa amusement park. Siguro around 7 yrs. old palang ako nun. Lagi kasi ako binabawalan ng papa ko kapag may mag aaya sakin pumunta dun. Bawal daw ako sa mga extreme rides kasi mahina puso ko. Laging Carousel lang ang nasasakyan ko. Pero syempre ngayon malaki na ako pwede na ko pumunta at sumakay sa mga extreme rides na bawal sakin noon, and nobody can stop me from it.

Dahil gusto naming maging masaya ang birthday ng kaibigan naming si Kuda, niyaya naming sya pumunta sa Enchanted Kingdom sa mismong birthday nya. Bale tatlo lang kami pumunta Ako, si Tere at si Kuda, kasi yung iba ayaw sumama.

Papunta dun, sumakay kami ng shuttle van. Sa parking lot ng Ayala MRT may terminal ng papuntang Enchanted Kingdom. Ang schedule sa umaga papunta dun, 10:30 am at 12:30 pm. Ang pamasahe, 150 one way, 300 round trip. Meron na din silang tindang ticket sa pilahan. Pwede dun ka na bumili para hindi kana pipila pagbili duon. Ticket price 600 weekend pass and 500 weekday pass.

Bale 4 lang ang nasakyan namin pero lahat yun puro extreme.

Extreme Tower (1 hour waiting in the line)
Space Shuttle (almost 2 hours waiting in the line)
Disk O' Magic (30 mins waiting in the line)
Flying Fiesta (15 mins waiting in the line)

All in all nag enjoy naman ako, masasabi ko na hindi na ko gano takot sa heights. Nakakawala ng stress, nakakawala ng kaluluwa wahaha naiwan ata sa dun Gustu ko pa bumalik at itry ang iba pang rides na hindi ko  nasakyan. Sisiguraduhin ko na masasakyan ko na lahat sa susunod na balik ko. Hahaha..

Eto mga sample pics. Konti lang kasi hindi ko na magawa pang mag picture. Hahahaha.









Kelangan talaga maaga ka pupunta dun para marami kang oras sa pag pila at marami kang masakyan pa na rides. Ang sasakyan pauwi ay may schedule na 6pm at 9pm. Kelangan bago mag 6pm o 9pm nandun kana sa parking lot para makasakay ka kagad pauwi.

Kayo? May happy experience din ba kayo sa EK? Ishare mo na sa comment box sa baba. Thanks for reading.


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...